1 Nephi 13:35–37

Sapagkat, masdan, wika ng Kordero:

Ipakikita ko ang aking sarili sa iyong mga binhi, nang isulat nila ang maraming bagay na aking ipangangaral sa kanila, na magiging malinaw at mahalaga; at matapos na ang iyong mga binhi ay malipol, at manghina sa kawalang-paniniwala, at gayon din ang mga binhi ng iyong mga kapatid, masdan, ang mga bagay na ito ay itatago, [i]2180[/i] upang lumabas sa mga Gentil, [i]2181[/i] sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Kordero. At sa mga ito masusulat ang aking ebanghelyo, wika ng Kordero, at ang aking bato, at ang aking kaligtasan.

At pagpapalain sila na mga maghahangad na maitatag ang aking Sion sa araw na yaon, sapagkat mapapasakanila ang kaloob at ang kapangyarihan ng Espiritu Santo; at kung sila ay makapagtitiis hanggang wakas sila ay dadakilain sa huling araw, at maliligtas sa walang hanggang kaharian ng Kordero; at kung sinuman ang maghahayag ng kapayapaan, oo, mga balita ng dakilang kagalakan, anong ganda nila sa ibabaw ng mga bundok.

From section: Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary