At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay namasdan na ang mga Gentil na nagsitakas sa pagkabihag ay nagpakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng Panginoon; [i]1018[/i] at ang kapangyarihan ng Panginoon ay napasakanila. At namasdan kong sama-samang nagtipon sa mga tubig ang kanilang mga inang Gentil, [i]2177[/i] at gayon din sa lupain, upang makidigma sa kanila.
At namasdan ko na ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa kanila, at gayon din na ang poot ng Diyos ay napasa mga yaong sama-samang nagtipon upang makidigma laban sa kanila. At ako, si Nephi, ay namasdan na ang mga Gentil na nagsitakas mula sa pagkabihag ay naligtas mula sa mga kamay ng mga ibang bansa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.