At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang napakaraming tao ng mga Gentil sa lupang pangako; at namasdan ko ang poot ng Diyos, na ito ay napasa mga binhi ng aking mga kapatid; at nakalat sila sa harapan ng mga Gentil at binagabag. [i]1022[/i] [i]2176[/i]
At namasdan ko ang Espiritu ng Panginoon, na ito ay napasa mga Gentil, at sila ay umunlad at natamo nila ang lupain bilang kanilang mana; [i]1021[/i] at namasdan ko na sila ay mapuputi, at labis na kaakit-akit at magaganda, tulad ng aking mga tao bago sila napatay.