At tumingin ako at namasdan ang isang lalaki sa mga Gentil, [i]1017[/i] na nahihiwalay mula sa mga binhi ng aking mga kapatid ng maraming tubig; at namasdan ko ang Espiritu ng Diyos, na ito ay bumaba at binunsuran ang lalaki; at naglayag siya sa maraming tubig, [i]2175[/i] maging hanggang sa makarating sa mga binhi ng aking mga kapatid, na nasa lupang pangako.
At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang Espiritu ng Diyos, na ito ay nagbunsod sa iba pang mga Gentil; at sila ay tumakas mula sa pagkabihag, sa maraming tubig.