At ito ay nangyari na, na tumingin ako at namasdan ang maraming tubig; at hinahati nito ang mga Gentil mula sa mga binhi ng aking mga kapatid. At ito ay nangyari na, na sinabi sa akin ng anghel:
Masdan, ang poot ng Diyos ay
napasa mga binhi ng iyong mga kapatid.
At tumingin ako at namasdan ang isang lalaki sa mga Gentil, na nahihiwalay mula sa mga binhi ng aking mga kapatid ng maraming tubig; at namasdan ko ang Espiritu ng Diyos, na ito ay bumaba at binunsuran ang lalaki; at naglayag siya sa maraming tubig, maging hanggang sa makarating sa mga binhi ng aking mga kapatid, na nasa lupang pangako.
At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang Espiritu ng Diyos, na ito ay nagbunsod sa iba pang mga Gentil; at sila ay tumakas mula sa pagkabihag, sa maraming tubig.
At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang napakaraming tao ng mga Gentil sa lupang pangako; at namasdan ko ang poot ng Diyos, na ito ay napasa mga binhi ng aking mga kapatid; at nakalat sila sa harapan ng mga Gentil at binagabag.
At namasdan ko ang Espiritu ng Panginoon, na ito ay napasa mga Gentil, at sila ay umunlad at natamo nila ang lupain bilang kanilang mana; at namasdan ko na sila ay mapuputi, at labis na kaakit-akit at magaganda, tulad ng aking mga tao bago sila napatay.
At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay namasdan na ang mga Gentil na nagsitakas sa pagkabihag ay nagpakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng Panginoon; at ang kapangyarihan ng Panginoon ay napasakanila. At namasdan kong sama-samang nagtipon sa mga tubig ang kanilang mga inang Gentil, at gayon din sa lupain, upang makidigma sa kanila.
At namasdan ko na ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa kanila, at gayon din na ang poot ng Diyos ay napasa mga yaong sama-samang nagtipon upang makidigma laban sa kanila. At ako, si Nephi, ay namasdan na ang mga Gentil na nagsitakas mula sa pagkabihag ay naligtas mula sa mga kamay ng mga ibang bansa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.