At sinabi sa akin ng anghel:
Tingnan!
At ako ay tumingin, at namasdan na tatlong salinlahi ang pumanaw sa kabutihan; at ang kanilang mga kasuotan ay puti maging tulad ng sa Kordero ng Diyos. At sinabi sa akin ng anghel:
Ang mga ito ay ginawang puti sa pamamagitan ng dugo ng Kordero,
_dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
At ako, si Nephi, ay nakita rin na marami sa ikaapat na salinlahi ang pumanaw sa kabutihan.