At nakita ko rin at pinatototohanan na ang Espiritu Santo ay napasalabindalawang iba pa; [i]2167[/i] at sila ay inordenan ng Diyos, at pinili. At nangusap ang anghel sa akin, sinasabing:
Masdan ang labindalawang disipulo ng Kordero, [i]2168[/i]
_yaong mga piniling maglingkod sa iyong mga binhi.
At sinabi niya sa akin:
Naaalaala mo pa ba ang labindalawang apostol ng Kordero? [i]1014[/i] Masdan, sila ang mga yaong hahatol sa labindalawang lipi ng Israel; [i]1012[/i] anupa’t ang labindalawang tagapaglingkod sa iyong mga binhi ay hahatulan nila; sapagkat kayo ay kabilang sa sambahayan ni Israel. At ang labindalawang tagapaglingkod na iyong namamasdan ang siyang hahatol sa iyong mga binhi. At, masdan, sila ay mabubuti magpakailanman; sapagkat dahil sa kanilang pananampalataya sa Kordero ng Diyos ang kanilang mga kasuotan ay ginawang puti ng kanyang dugo.