At ito ay nangyari na, na sinabi niya sa akin:
Tingnan, at masdan
_ang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan,
_na ina ng mga karumal-dumal na gawain,
_na ang diyablo ang nagtatag.
At sinabi niya sa akin:
Masdan, may dalawang simbahan lamang;
_ang isa ay simbahan ng Kordero ng Diyos,
_at ang isa naman ay simbahan ng diyablo;
_kaya nga, kung sinuman ang hindi nabibilang
_sa simbahan ng Kordero ng Diyos
_ay nabibilang sa yaong makapangyarihang simbahan,
_na ina ng mga karumal-dumal na gawain;
_at siya ang patutot ng buong mundo.