At ito ay nangyari na, na nangusap sa akin ang anghel, sinasabing:
Tingnan!
At tumingin ako at namasdan ang isang lalaki at nakadamit siya ng isang puting bata. At sinabi ng anghel sa akin:
Masdan ang isa sa labindalawang apostol ng Kordero. [i]2186[/i] Masdan, makikita niya at isusulat ang mga nalalabi sa mga bagay na ito; oo, at gayon din ang marami pang bagay na nangyari na. At isusulat din niya ang hinggil sa katapusan ng daigdig. Samakatwid, ang mga bagay na kanyang isusulat ay makatarungan at totoo; at masdan, nasusulat ang mga ito sa aklat na iyong namasdan na nagmula sa bibig ng Judio; at sa panahong lalabas ang mga ito sa bibig ng Judio, o, sa panahong ang aklat ay lalabas mula sa bibig ng Judio, ang mga bagay na nasusulat ay malinaw at dalisay, at pinakamahalaga at madaling maunawaan ng lahat ng tao.