1 Nephi 14:24–27

At masdan, ang mga bagay na isusulat ng apostol na ito ng Kordero ay maraming bagay na iyo nang nakita; at masdan, ang nalalabi ay makikita mo. Subalit ang mga bagay na iyong makikita pagkaraan nito ay hindi mo isusulat; sapagkat inordenan ng Panginoong Diyos ang apostol ng Kordero ng Diyos na siya ang magsusulat ng mga yaon.

At gayon din sa ibang nabuhay na noon, sa kanila ay ipinakita niya ang lahat ng bagay, at isinulat nila ang mga yaon; at mahigpit na isinara ang mga yaon upang lumabas sa kanilang kadalisayan, alinsunod sa katotohanan na nasa Kordero, sa sariling itinakdang panahon ng Panginoon, sa sambahayan ni Israel. At ako, si Nephi, ay narinig at nagpapatotoo, na ang pangalan ng apostol ng Kordero ay Juan, [i]1025[/i] ayon sa salita ng anghel.

From section: Ang Ministeryo ni Juan Ang Tagahayag

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary