1 Nephi 11:34–36

At matapos siyang patayin ay nakita ko ang maraming tao ng mundo, na sama-samang nagtipon sila upang kalabanin ang mga apostol ng Kordero; [i]2164[/i] sapagkat sa gayon tinawag ng anghel ng Panginoon ang labindalawa.

At sama-samang nagtipon ang maraming tao ng mundo; at namasdan ko na sila ay nasa malaki at maluwang na gusali, tulad ng gusaling nakita ng aking ama. At muling nangusap ang anghel ng Panginoon sa akin, sinasabing:

Masdan ang sanlibutan at ang karunungan nito; oo, masdan ang sambahayan ni Israel na sama-samang nagtipon upang kalabanin ang labindalawang apostol ng Kordero.

At ito ay nangyari na, na nakita ko at pinatototohanan, na ang malaki at maluwang na gusali ang kapalaluan ng sanlibutan; at bumagsak ito, at ang pagkakabagsak nito ay napakalakas. At muling nangusap ang anghel ng Panginoon sa akin, sinasabing:

Gayon ang magiging pagkawasak ng lahat ng bansa, lahi, wika, at tao, na kakalaban sa labindalawang apostol ng Kordero.

From section: Ipinakita ng Anghel Ang Pagdating ni Hesus sa Hinaharap

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary