1 Nephi 11:6–7

At nang sabihin ko ang mga salitang ito, ang Espiritu ay sumigaw sa malakas na tinig, sinasabing:

Hosana sa Panginoon, ang kataas-taasang Diyos; sapagkat siya ang Diyos ng buong mundo, oo, maging higit sa lahat. At pinagpala ka, Nephi, sapagkat naniniwala ka sa Anak ng kataas-taasang Diyos; kaya nga, mamamasdan mo ang mga bagay na ninanais mo.

At masdan, ang bagay na ito ay ibibigay sa iyo bilang isang palatandaan, na matapos mong mamasdan ang punungkahoy na namumunga ng bungang natikman ng iyong ama, [i]2150[/i] [i]2054[/i] mamamasdan mo rin ang isang lalaking bumababa mula sa langit, at makikita mo siya; at matapos mong makita siya ay patototohanan mo na siya ang Anak ng Diyos.

From section: Ang Pagkikipagtagpo ni Nephi sa Espiritu ng Panginoon

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary