At muling sinabi sa akin ng anghel:
Tingnan at masdan ang pagpapakababa ng Diyos!
At tumingin ako at namasdan ang Manunubos ng sanlibutan, na siyang sinabi ng aking ama; at namasdan ko rin ang propetang maghahanda ng daan para sa kanya. At ang Kordero ng Diyos ay humayo at nagpabinyag sa kanya; [i]1144[/i] at matapos siyang mabinyagan, [i]1008[/i] namasdan kong bumukas ang kalangitan, at bumaba na tulad sa isang kalapati ang Espiritu Santo mula sa langit at tumahan sa kanya. [i]2156[/i]