1 Nephi 11:24–25

At matapos niyang sabihin ang mga salitang ito, sinabi niya sa akin:

Tingnan!

At tumingin ako, at namasdan ko ang Anak ng Diyos na nakikisalamuha sa mga anak ng tao; at nakita kong marami ang nangaluhod sa kanyang paanan at sinamba siya. [i]2155[/i]

At ito ay nangyari na, na namasdan ko na ang gabay na bakal, na nakita ng aking ama, ay salita ng Diyos, na nagbibigay-daan patungo sa bukal ng mga buhay na tubig, o sa punungkahoy ng buhay; kung aling mga tubig ay sumasagisag sa pag-ibig ng Diyos; at namasdan ko rin na ang punungkahoy ng buhay ay sumasagisag sa pag-ibig ng Diyos.

From section: Ipinakita ng Anghel Ang Pagdating ni Hesus sa Hinaharap

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary