1 Nephi 13:28–29

Samakatwid, nakita mong matapos lumabas ang aklat mula sa kamay ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan, na maraming malinaw at mahahalagang bagay ang nawala sa aklat, na aklat ng Kordero ng Diyos.

At matapos mawala ang malilinaw at mahahalagang bagay na ito ay kumalat ito sa lahat ng bansa ng mga Gentil; at matapos itong kumalat sa lahat ng bansa ng mga Gentil, oo, maging sa kabila ng maraming tubig [i]1015[/i] na nakita mo sa mga Gentil na nagsitakas sa pagkabihag, nakita mo—dahil sa dami ng malilinaw at mahahalagang bagay na nawala mula sa aklat, na malinaw sa pang-unawa ng mga anak ng tao, alinsunod sa kalinawan na nasa Kordero ng Diyos—dahil sa mga bagay na ito na inalis mula sa ebanghelyo ng Kordero, lubhang marami ang nangagkatisod, oo, kung kaya nga’t nagkaroon ng malaking kapangyarihan si Satanas sa kanila.

From section: Ang Impluwensiya ng Bibliya sa mga Hentil

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary