Oo, ito ay mangyayari sa araw na magkakaroon ng malaganap na karumihan sa balat ng lupa; magkakaroon ng mga pagpaslang, at panloloob, pagsisinungaling, at panlilinlang, at pagpapatutot, at lahat ng uri ng karumal-dumal na gawain; kung kailan marami ang magsasabi:
Gawin ninyo ito, o gawin ninyo iyon, at walang anuman iyon,
_sapagkat sasang-ayunan ng Panginoon ang gayon sa huling araw.
Ngunit sa aba nila, sapagkat sila ay nasa kasukdulan ng kapaitan at nasa mga gapos ng kasamaan.