Oo, ito ay mangyayari sa araw na magkakaroon ng mga simbahang itatayo at magsasabi:
Magsilapit kayo sa akin, at dahil sa inyong salapi
_ay patatawarin ang inyong mga kasalanan.
O, kayong masasama at balakyot at matitigas ang leeg na mga tao,
_bakit kayo nagtayo ng mga simbahan para sa inyong sarili upang makinabang?
Bakit ninyo binago ang banal na salita ng Diyos,
_upang magdala kayo ng kapahamakan sa inyong mga kaluluwa?
Masdan, magtiwala kayo sa mga paghahayag ng Diyos;
_sapagkat masdan, ang panahon ay darating sa araw
_na yaon kung kailan ang lahat ng bagay na ito ay kinakailangang matupad.