At ito ay nangyari na, na sa gayon nila pinukaw ang mga tao na magalit laban kay Nephi, at pumukaw ng alitan sa kanila; sapagkat may ilang nagsipagsigawan:
Hayaan ang lalaking ito, sapagkat siya ay isang mabuting tao, at ang mga yaong bagay na kanyang sinabi ay tiyak na mangyayari maliban kung tayo ay magsisisi; [i]1812[/i] Oo, masdan, lahat ng kahatulang pinatotohanan niya sa atin ay sasapitin natin; sapagkat nalalaman natin na siya ay nagpatotoo nang tama sa atin hinggil sa ating mga kasamaan. At masdan, ang mga ito ay marami, at nalalaman niya ang lahat ng bagay na mangyayari sa atin tulad ng pagkakaalam niya ng ating mga kasamaan; Oo, at masdan, kung hindi siya isang propeta, hindi sana siya nakapagpatotoo hinggil sa mga bagay na yaon.