Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi
- Helaman 7:1–3
- Si Nephi ay bumalik sa Zarahemla pagkatapos ng kanyang paglalakbay sa lupaing pahilaga, kung saan ang kanyang pangangaral ay tinanggihan.
- Helaman 7:4–6
- Ang pamahalaan sa Zarahemla ay naging tiwali, at ang buong lipunan ay nasira.
- Helaman 7:7–9
- Si Nephi ay nagdalamhati dahil sa masamang kalagayan ng mga tao, at hiniling na sana’y nabuhay siya sa mga panahon ng mga unang mga nanirahang Lehita rito.
- Helaman 7:10
- Si Nephi ay umakyat sa tore sa kanyang halamanan, at nanalangin.
- Helaman 7:11
- Maraming mga tao ang nakita siyang nananalangin, at ang mga tao ay nagtipon sa palibot niya.
- Helaman 7:12–29, 8:3
- Nang mapansin ang mga tao na nagtipon-tipon, si Nephi ay tumayo at hayagang pinagsabihan ang mga tao sa kanilang mga masasamang gawi, at tinawag sila tungo sa pagsisisi.
- Helaman 8:1–2
- Ilan sa mga opisyal ng masa na kasama ng mga tao ay nagalit, at ipinagutos na si Nephi ay dakpin.
- Helaman 8:4–6
- Ang mga tiwaling opisyal ay sinubukang pukawin ang mga tao na maging laban kay Nephi.
- Helaman 8:7–9
- Ilang sa mga tao ay ipinagtanggol si Nephi, at pinatunayan na siya ay isang propeta, na tunay na nakaaalam sa tiwaling kalagayan ng mga tao.
- Helaman 8:10
- Sila na mga sumubok na salungatin si Nephi ay naging balisa, nakikita na si Nephi ay may mga tagataguyod.
- Helaman 8:11–28
- Si Nephi muli ay nagsalita sa mga tao, pinaaalalahanan sila sa kanilang pamana at sa mga propesiya tungkol sa Mesiyas—pagkatapos ay nagawa niyang biglain ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na ang kanilang katiwalian ay nakaabot na sa mga pinakamatataas na katungkulan sa kanilang gobyerno, at na ang kanilang punong hukom ay pinaslang, at siya ngayong patay na sa hukumang luklukan.
- Helaman 9:1–2
- Nang marinig ang propesiya ni Nephi, limang kalalakihan ang tumungo sa hukumang luklukan upang mapatunayan ang mga salita ni Nephi.
- Helaman 9:3–5
- Ang limang kalalakihan ay nakarating sa hukumang luklukan, at natagpuan na ang punong hukom ay talaga ngang patay na—sila ay nanggilalas, at nangabuwal sa lupa, nanginginig.
- Helaman 9:6–8
- Ang ibang mga tao ay dumating, at nakita ang patay na punong hukom, at ang limang kalalakihan; ipinagpalagay nila na ang limang kalalakihan ang mga pumatay.
- Helaman 9:9
- Inihayag ng mga tao na ang punong hukom ay pinatay at ang mga taong may kasalanan ay nasa pangangalaga na.
- Helaman 9:10–12
- Nang sumunod na araw, sa oras ng libing, ang mga tiwaling opisyal na sumalungat ka Nephi sa nakalipas na araw ay nagtanong sa mga tao kung ano ang nangyari sa limang kalalakihan na ipinadala upang patunayan ang mga salita ni Nephi.
- Helaman 9:12
- Ang mga tao ay tumugon na wala silang nalalaman hinggil sa limang kalalakihang ipinadala upang patunayan ang mga salita ni Nephi, maliban sa may limang kalalakihan na nasa pangangalaga sa ngayon dahil sa pagpatay sa hukom.
- Helaman 9:13–15
- Ipinatawag ng mga opisyal ang limang bilanggo, na nagpaliwanag na ang punong hukom ay patay na nang sila ay makarating, at na ang mga salita ni Nephi ay totoo.
- Helaman 9:16–17
- Ipinagpalagay ng mga opisyal na maaaring si Nephi ay isang kasabwat sa planong pagpatay sa punong hukom.
- Helaman 9:18
- Ang limang mga kalalakihan ay pinalaya, subalit sinalungat nila ang mga akusasyon laban kay Nephi.
- Helaman 9:19
- Sa kabila ng pagsalungat ng limang mga kalalakihan, si Nephi ay iginapos at dinala sa harapan ng mga tao.
- Helaman 9:20
- Ang mga opisyal ng batas ay tinanong siya, at sinubukan din na suhulan siya upang magtapat.
- Helaman 9:19–36
- Pinagsabihan sila ni Nephi, at sinabihan silang humayo at hanapin si Seantum, na kapatid ng punong hukom, na siyang tunay na pumatay; itatanggi niya ito, subalit magtatapat kung ang dugo ng kanyang kapatid ay matatagpuan sa kanyang kasuotan.
- Helaman 9:37–38
- Ang mga tao ay nagtungo kay Seantum, at tumugon katulad ng sinabi ni Nephi na gagawin niya—si Nephi ay pinalaya.
- Helaman 9:39–41
- Maraming mga tao ang naniwala kay Nephi at naging mataas ang tingin sa kanya.
- Helaman 10:1
- Ang mga tao ay naghiwahiwalay, at iniwan si Nephi na mag-isa.
- Helaman 10:2–11
- Si Nephi ay umuwi, narinig niya ang tinig ng Diyos; pinagpala siya ng Diyos, binigyan siya ng kapangyarihang magbuklod sa lupa at sa langit, at pinagkalooban siya ng buong karapatan sa kapangyarihan ng langit.
- Helaman 10:12–13
- Si Nephi ay nagpasyang huwag munang umuwi, subalit sa halip ay mangaral sa mga tao at balaan sila na sila ay malilipol kung hindi sila magsisisi, subalit karamihan sa mga tao ay hindi parin naniwala.
- Helaman 10:14
- Si Nephi muli ay nagbigay-diin sa malagim na hinaharap ng mga tao kung hindi sila magsisisi.
- Helaman 10:15–16
- Sinubukan ng mga taong lusubin si Nephi, subalit siya ay naglaho sa harapan nila bago nila maabot siya.
- Helaman 10:17–19
- Si Nephi ay humayo mula sa isang pangkat patungo sa iba pa, patuloy na nagtuturo at nangangaral ng salita ng Diyos.
- Helaman 11:1–2
- Sa ilang mga sumunod na taon, ang mga tulisang Gadianton ay muling umusbong sa kapangyarihan, at nagdala ng mga suliranin sa mga tao.
- Helaman 11:3–4
- Nalalaman ang napipintong pagkawasak ng mga masasamang tao, si Nephi ay nanalangin at nagsumamo na ang pagkalipol ay mapalitan ng isang tagutom.
- Helaman 11:5–6
- Ayon sa hiling ni Nephi, isang kakila-kilabot na tagutom ang kumalat sa buong lupain, iniiwang patay ang malaking bahagi ng populasyon.
- Helaman 11:7–9
- Nakikita ang malaking bilang ng mga nasawi na dala ng taggutom, hiniling ng punong hukom kay Nephi na manalangin upang tapusin ang taggutom.
- Helaman 11:9–16
- Nalalamang ang mga tao ay nagsisisi, nakiusap si Nephi sa Panginoon na itigil ang taggutom sa lupain.
- Helaman 11:17
- Ang ulan ay nagsimulang bumuhos, at ang taggutom ay napawi.
- Helaman 11:18–19
- Ang mga tao ay nagalak at pinuri ang Diyos; itinuring nila si Nephi at ang kanyang kapatid na si Lehi na mga dakilang propeta.
- Helaman 11:20–21
- Ang simbahan at ang mga tao ay umunlad at dumami, patuloy na nagtatamasa ng kapayapaan.
- Helaman 11:22–23
- Ang ilang pagtatalo-talo hinggil sa doktrina ng simbahan ay umusbong, subalit ginamit ni Nephi at ni Lehi ang kanilang kaloob ng paghahayag upang solusyonan ang mga problema.