At may ilan din sa mga Nephita ang naniwala sa mga salita ni Nephi; at may ilan din ang naniwala dahil sa patotoo ng lima, sapagkat nagbalik-loob sila habang nasa bilangguan. At ngayon, may ilan sa mga tao, ang nagsabing si Nephi ay isang propeta. [i]1830[/i] At may ilan ding nagsabi:
Masdan, siya ay isang diyos, sapagkat maliban sa siya ay isang diyos ay hindi niya maaaring malaman ang lahat ng bagay. Sapagkat masdan, sinabi niya sa atin ang nasasaloob ng ating mga puso, at nagsabi rin sa atin ng mga bagay; at maging sa ibinigay niya sa ating kaalaman ang tunay na pumaslang sa ating punong hukom.