Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Ang Paglilitis kay Nephi

Helaman 9:19

Sa kabila ng pagsalungat ng limang mga kalalakihan, si Nephi ay iginapos at dinala sa harapan ng mga tao.

Gayon pa man, pinapangyari nila na si Nephi ay dakpin at igapos at dalhin sa harapan ng maraming tao, at nagsimula silang tanungin siya sa iba’t ibang paraan upang kanilang lituhin siya, upang kanilang masakdalan siya tungo sa kamatayan.

Helaman 9:20

Ang mga opisyal ng batas ay tinanong siya, at sinubukan din na suhulan siya upang magtapat.

Sinasabi sa kanya:

Ikaw ay kasabwat; sino ang taong ito na siyang gumawa ng pagpaslang na ito? Ngayon sabihin mo sa amin, at aminin mo ang iyong kasalanan; sinasabing, Masdan ito ang salapi; at ipagkakaloob din namin sa iyo ang iyong buhay kung sasabihin mo sa amin, at aaminin ang pakikipagkasundong ginawa mo sa kanya.

Helaman 9:19–36

Pinagsabihan sila ni Nephi, at sinabihan silang humayo at hanapin si Seantum, na kapatid ng punong hukom, na siyang tunay na pumatay; itatanggi niya ito, subalit magtatapat kung ang dugo ng kanyang kapatid ay matatagpuan sa kanyang kasuotan.

Subalit sinabi ni Nephi sa kanila:

Helaman 9:37–38

Ang mga tao ay nagtungo kay Seantum, at tumugon katulad ng sinabi ni Nephi na gagawin niya—si Nephi ay pinalaya.

At ito ay nangyari na, na sila ay humayo at ginawa, maging ang naaayon sa sinabi ni Nephi sa kanila. At masdan, ang mga salitang sinabi niya ay totoo; sapagkat alinsunod sa mga salita siya ay nagkaila; at alinsunod din sa mga salita siya ay nagtapat. At siya ay dinakip upang patunayan na siya nga ang yaong pumaslang, kung kaya nga’t ang lima ay pinalaya, at gayon din si Nephi.

Helaman 9:39–41

Maraming mga tao ang naniwala kay Nephi at naging mataas ang tingin sa kanya.

At may ilan din sa mga Nephita ang naniwala sa mga salita ni Nephi; at may ilan din ang naniwala dahil sa patotoo ng lima, sapagkat nagbalik-loob sila habang nasa bilangguan. At ngayon, may ilan sa mga tao, ang nagsabing si Nephi ay isang propeta. At may ilan ding nagsabi:

Masdan, siya ay isang diyos, sapagkat maliban sa siya ay isang diyos ay hindi niya maaaring malaman ang lahat ng bagay. Sapagkat masdan, sinabi niya sa atin ang nasasaloob ng ating mga puso, at nagsabi rin sa atin ng mga bagay; at maging sa ibinigay niya sa ating kaalaman ang tunay na pumaslang sa ating punong hukom.

Helaman 10:1

Ang mga tao ay naghiwahiwalay, at iniwan si Nephi na mag-isa.

At ito ay nangyari na, na nagkaroon ng paghahati sa mga tao, hanggang sa maghiwa-hiwalay sila rito at doon at nagsihayo sa kani-kanyang mga landas, iniwang nag-iisa si Nephi, habang siya ay nakatindig sa gitna nila.