[Helaman 9:19–36] Masasamang tao

O kayong mga hangal, kayong mga hindi tuli ang puso, kayong mga bulag, at kayong mga taong matitigas ang leeg, nalalaman ba ninyo kung hanggang kailan kayo pahihintulutan ng Panginoon ninyong Diyos na magpatuloy sa ganitong pamamaraan ninyo ng pagkakasala? O nararapat kayong magsimulang humagulgol at magdalamhati, dahil sa malaking pagkalipol na sa panahong ito ay naghihintay sa inyo, maliban kung kayo ay magsisisi. Masdan, sinasabi ninyo na nakipagkasundo ako sa isang tao na patayin niya si Sisoram, ang ating punong hukom. Subalit masdan, sinasabi ko sa inyo, na ito ay dahil sa nagpatotoo ako sa inyo upang malaman ninyo ang hinggil sa bagay na ito; oo, maging bilang isang patunay sa inyo, na nalalaman ko ang kasamaan at mga karumal-dumal na gawain na nasa inyo.

From section: Ang Paglilitis kay Nephi

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Commentary