At pagkatapos sabihin ninyo:
Dahil sa takot na ito at sa pamumutlang ito na nakikita sa iyong mukha, masdan, nalalaman namin na ikaw ang may sala. [i]1828[/i] At sa gayon mananaig sa kanya ang higit na malaking takot; at doon siya magtatapat sa inyo, at hindi na magkakaila pa na siya ang gumawa ng pagpaslang na ito.
At pagkatapos sasabihin niya sa inyo, na ako, si Nephi, ay walang nalalaman hinggil sa bagay na yaon maliban sa ibinigay sa akin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. At sa gayon malalaman ninyo na ako ay isang matapat na tao, at na ako ay isinugo sa inyo mula sa Diyos.