Ngayon, kaagad nang mapatay ang hukom—siya na sinaksak ng kanyang kapatid na nadadamitan ng balatkayo, at siya ay tumakas, at ang mga tagapagsilbi ay nagsitakbuhan at sinabi sa mga tao, nagbubulalas ng sigaw ng pagpaslang sa kanila; At masdan sama-samang tinipon ng mga tao ang kanilang sarili sa lugar ng hukumang-luklukan—at masdan, sa kanilang panggigilalas ay nakita nila ang yaong limang lalaki na nakahandusay sa lupa. [i]1817[/i] At ngayon masdan, ang mga tao ay walang alam hinggil sa maraming tao na sama-samang nagtipon sa halamanan ni Nephi; kaya nga sinabi nila sa kanilang sarili:
Ang mga lalaking ito ang siyang pumaslang sa hukom,
_at sila ay binagabag ng Diyos upang hindi sila makatakas sa atin. [i]1818[/i]