At nakikita na ang mga tao ay nasa kalagayan ng kakila-kilabot na kasamaan, at ang mga yaong tulisan ni Gadianton na nanunungkulan sa hukumang-luklukan— [i]1804[/i] matapos makamkam ang kapangyarihan at karapatan sa lupain; isinasaisantabi ang mga kautusan ng Diyos, at ni hindi matwid sa harapan niya; hindi pinaiiral ang katarungan sa mga anak ng tao; Pinarurusahan ang mabubuti dahil sa kanilang kabutihan; hinahayaang mapawalan ang may kasalanan at ang masasama nang hindi naparurusahan dahil sa kanilang salapi; at higit pa roon, ang manungkulan sa tanggapan ng puno ng pamahalaan, upang mamahala at gawin ang naaayon sa kanilang kagustuhan, upang sila ay makinabang at matamo ang papuri ng sanlibutan, at higit pa roon, upang higit na madali nilang magawa ang pakikiapid, at magnakaw, at pumatay, at gawin ang naaayon sa sarili nilang kagustuhan—