Helaman 7:7–9

Ngayon, ang malaking kasamaang ito ay sumapit sa mga Nephita, sa loob ng iilang taon lamang; at nang makita ito ni Nephi, napuspos ng kalungkutan ang kanyang puso sa kanyang dibdib; [i]1805[/i] at siya ay napabulalas sa labis na paghihirap ng kanyang kaluluwa:

O, na ang akin sanang mga araw ay nasa mga araw ng unang lisanin ng aking amang si Nephi ang lupain ng Jerusalem, sana’y nagalak akong kasama siya sa lupang pangako; noon ang kanyang mga tao ay madaling kausapin, matatag sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos, at mabagal akaying gumawa ng kasamaan; at sila ay mabilis na nakikinig sa mga salita ng Panginoon—

Oo, kung ang mga araw ko sana ay nasa mga araw na yaon, sa gayon ang kaluluwa ko ay nagkaroon sana ng kagalakan sa kabutihan ng aking mga kapatid. Subalit masdan, ako ay itinadhanang ito ang aking maging mga araw, at napupuspos ang kaluluwa ko ng kalungkutan dahil dito sa kasamaan ng aking mga kapatid.

From section: Toreng Hardin ni Nephi

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Commentary