At masdan, ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ng Panginoon ang mga salitang ito kay Nephi, siya ay huminto at hindi na nagtungo sa sarili niyang tahanan, kundi nagbalik sa maraming tao [i]1834[/i] na nagkalat sa paligid ng lupain, at nagsimulang ihayag sa kanila ang mga salita ng Panginoon na sinabi sa kanya, hinggil sa kanilang pagkalipol kung hindi sila magsisisi. Ngayon masdan, sa kabila ng yaong malaking himalang ginawa ni Nephi sa pagsasabi sa kanila hinggil sa kamatayan ng punong hukom, ay pinatigas nila ang kanilang mga puso at hindi pinakinggan ang mga salita ng Panginoon.