Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Ang Pangangaral at Kapangyarihan ni Nephi

Helaman 10:2–11

Si Nephi ay umuwi, narinig niya ang tinig ng Diyos; pinagpala siya ng Diyos, binigyan siya ng kapangyarihang magbuklod sa lupa at sa langit, at pinagkalooban siya ng buong karapatan sa kapangyarihan ng langit.

At ito ay nangyari na, na si Nephi ay humayo patungo sa sarili niyang tahanan, nagbubulay-bulay sa mga bagay na ipinakita sa kanya ng Panginoon. At ito ay nangyari na, na habang nasa gayon siyang pagbubulay-bulay—labis na nanlulumo dahil sa kasamaan ng mga tao ng mga Nephita, dahil sa kanilang mga lihim na gawain ng kadiliman, at kanilang mga pagpaslang, at kanilang mga pandarambong, at lahat ng uri ng kasamaan—at ito ay nangyari na, na habang nasa gayon siyang pagbubulay-bulay sa kanyang puso, masdan, isang tinig ang nangusap sa kanya sinasabing:

Helaman 10:12–13

Si Nephi ay nagpasyang huwag munang umuwi, subalit sa halip ay mangaral sa mga tao at balaan sila na sila ay malilipol kung hindi sila magsisisi, subalit karamihan sa mga tao ay hindi parin naniwala.

At masdan, ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ng Panginoon ang mga salitang ito kay Nephi, siya ay huminto at hindi na nagtungo sa sarili niyang tahanan, kundi nagbalik sa maraming tao na nagkalat sa paligid ng lupain, at nagsimulang ihayag sa kanila ang mga salita ng Panginoon na sinabi sa kanya, hinggil sa kanilang pagkalipol kung hindi sila magsisisi. Ngayon masdan, sa kabila ng yaong malaking himalang ginawa ni Nephi sa pagsasabi sa kanila hinggil sa kamatayan ng punong hukom, ay pinatigas nila ang kanilang mga puso at hindi pinakinggan ang mga salita ng Panginoon.

Helaman 10:14

Si Nephi muli ay nagbigay-diin sa malagim na hinaharap ng mga tao kung hindi sila magsisisi.

Anupa’t ipinahayag ni Nephi sa kanila ang mga salita ng Panginoon, sinasabing:

Maliban kung kayo ay magsisisi, ganito ang wika ng Panginoon:

‘kayo ay babagabagin maging hanggang sa pagkalipol.’

Helaman 10:15–16

Sinubukan ng mga taong lusubin si Nephi, subalit siya ay naglaho sa harapan nila bago nila maabot siya.

At ito ay nangyari na, nang ipahayag ni Nephi ang salita sa kanila, masdan, pinatigas pa rin nila ang kanilang mga puso at tumangging makinig sa kanyang mga salita; anupa’t kanilang nilait siya, at naghangad na hawakan siya ng kanilang mga kamay upang kanilang maitapon siya sa bilangguan. Subalit masdan, ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa kanya, at hindi nila magawang dakpin siya upang siya ay maitapon sa bilangguan, sapagkat siya ay kinuha ng Espiritu at dinalang palayo mula gitna nila.

Helaman 10:17–19

Si Nephi ay humayo mula sa isang pangkat patungo sa iba pa, patuloy na nagtuturo at nangangaral ng salita ng Diyos.

At ito ay nangyari na, na sa gayon siya humayo sa Espiritu, sa bawat pangkat ng maraming tao, ipinahahayag ang salita ng Diyos, maging hanggang sa maipahayag niya ito sa kanilang lahat, o naiparating ito sa lahat ng tao. At ito ay nangyari na, na sila ay tumangging makinig sa kanyang mga salita; at nagsimulang magkaroon ng mga alitan, hanggang sa nagkahati-hati sila laban sa kanilang sarili at nagsimulang patayin ang isa’t isa sa pamamagitan ng espada. At sa gayon nagtapos ang ikapitumpu at isang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.