At ito ay nangyari na, na sa gayon siya humayo sa Espiritu, sa bawat pangkat ng maraming tao, ipinahahayag ang salita ng Diyos, maging hanggang sa maipahayag niya ito sa kanilang lahat, o naiparating ito sa lahat ng tao. [i]1836[/i] At ito ay nangyari na, na sila ay tumangging makinig sa kanyang mga salita; at nagsimulang magkaroon ng mga alitan, hanggang sa nagkahati-hati sila laban sa kanilang sarili at nagsimulang patayin ang isa’t isa sa pamamagitan ng espada. At sa gayon nagtapos ang ikapitumpu at isang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.