Pinagpala ka, Nephi, dahil sa mga yaong bagay na ginawa mo; sapagkat namasdan ko kung paano mo ipinahayag nang walang kapaguran ang salita, na ibinigay ko sa iyo, para sa mga taong ito. At hindi ka natakot sa kanila, at hindi mo inalintana ang sarili mong buhay, kundi sinunod ang aking kalooban, at sinunod ang aking mga kautusan.