At sa gayon, kung sasabihin mong mahati sa dalawa ang templong ito, magaganap nga ito. At kung sasabihin mo sa bundok na ito, Ikaw ay lumatag at maging patag, magaganap nga ito. At masdan, kung sasabihin mong parusahan ng Diyos ang mga taong ito, mangyayari nga ito.