Helaman 9:13–15

At ito ay nangyari na, na hiniling ng mga hukom na dalhin sila; [i]1820[/i] at sila ay dinala, [i]1821[/i] at masdan, sila ang yaong limang isinugo; at masdan, ang mga hukom ay nagtanong sa kanila hinggil sa bagay na yaon, at sinabi nila ang lahat ng ginawa nila, [i]1822[/i] sinasabing:

Kami ay tumakbo at nakarating sa lugar ng hukumang-luklukan, at nang makita namin ang lahat ng bagay maging tulad ng pinatototohanan ni Nephi, kami ay nanggilalas kung kaya nga’t kami ay bumagsak sa lupa; at nang kami ay makabawi mula sa aming panggigilalas, masdan, itinapon nila kami sa bilangguan. Ngayon, hinggil sa pagpaslang sa taong ito, hindi namin nalalaman kung sino ang may gawa nito; at ito lamang ang nalalaman namin, kami ay tumakbo at nagtungo alinsunod sa inyong kahilingan, at masdan, siya ay patay na, alinsunod sa mga salita ni Nephi.

From section: Pagpatay at Sabwatan sa Hukumang-luklukan

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Commentary