At naganap nga ito, alinsunod sa mga salita ni Nephi. At nagkaroon ng masidhing taggutom sa lupain, [i]1839[/i] sa lahat ng tao ni Nephi. At sa gayon sa ikapitumpu at apat na taon ay nagpatuloy ang taggutom, [i]3330[/i] at ang gawain ng paglipol ay tumigil sa pamamagitan ng espada subalit naging masidhi sa pamamagitan ng taggutom. At ang gawaing ito ng paglipol ay nagpatuloy rin sa ikapitumpu at limang taon. Sapagkat ang lupa ay binagabag kung kaya’t natuyo ito, at hindi nagbunga ng butil sa panahon ng tagsibol; at ang buong lupain ay binagabag, maging sa mga Lamanita at gayon din sa mga Nephita, kung kaya’t sila ay binagabag na nasawi sila nang libu-libo sa higit na masasamang bahagi ng lupain. [i]1840[/i]