At ito ay nangyari na, na napagtanto ng mga tao na malapit na silang mangasawi sa pamamagitan ng taggutom, at nagsimulang maalaala nila ang Panginoon nilang Diyos; at nagsimulang maalaala nila ang mga salita ni Nephi. At ang mga tao ay nagsimulang makiusap sa kanilang mga punong hukom at kanilang mga pinuno, [i]1841[/i] na sabihin nila kay Nephi:
Masdan, nalalaman namin na isa kang tao ng Diyos, at kaya nga magsumamo sa Panginoon nating Diyos na alisin niya mula sa atin ang taggutom na ito, [i]3331[/i] at baka ang lahat ng salitang sinabi mo hinggil sa aming pagkalipol ay matupad.
At ito ay nangyari na, na sinabi ng mga hukom kay Nephi, ang alinsunod sa mga salitang ninais.