At sa gayon nangyari na ang mga tao ni Nephi ay nagsimulang muling umunlad sa lupain, at nagsimulang itayo ang kanilang mga napabayaang lugar, [i]1844[/i] at nagsimulang dumami at kumalat, maging hanggang sa sila ay lumaganap sa buong lupain, kapwa sa pahilaga at sa patimog, mula sa kanlurang dagat hanggang sa silangang dagat. At ito ay nangyari na, na ang ikapitumpu at anim na taon ay nagtapos sa kapayapaan. At ang ikapitumpu at pitong taon ay nagsimula sa kapayapaan; at ang simbahan ay kumalat sa lahat ng dako ng buong lupain; at ang nakararaming bahagi ng mga tao, kapwa ang mga Nephita at ang mga Lamanita, ay nabibilang sa simbahan; at sila ay nagkaroon ng labis na kapayapaan sa lupain; at sa gayon nagtapos ang ikapitumpu at pitong taon.