At ito ay nangyari na, na isa sa kanila ay nagsabi sa kanya: Ano ang kahulugan ng mga salitang nasusulat, at itinuro ng ating mga ama, sinasabing:
Anong ganda sa mga bundok
_ang mga paa ng yaong nagdadala ng mabubuting balita;
_na naghahayag ng kapayapaan.Na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan.
Na naghahayag ng kaligtasan;
_na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Diyos ay naghahari;Ang inyong mga tagabantay ay magtataas ng tinig;
_sa pamamagitan ng magkakasamang tinig sila ay aawit.Sapagkat kanilang makikita nang mata sa mata
_kung kailan ibabalik na muli ng Panginoon ang Sion;Magpakagalak;
magsiawit nang magkakasama, kayong mga nawasak na dako ng Jerusalem.
Sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang mga tao,
_tinubos niya ang Jerusalem;Ipinakita ng Panginoon ang kanyang banal na bisig
_sa paningin ng lahat ng bansa,
_at lahat ng dulo ng mundo
_ay makikita ang kaligtasan ng ating Diyos?