Mosiah 12:25–27

At ngayon sinabi ni Abinadi sa kanila: [i]2441[/i]

Mga saserdote ba kayo, at nagkukunwaring tinuturuan ang mga taong ito, [i]2774[/i] at nakauunawa ng diwa ng pagpopropesiya, subalit nagnanais na malaman sa akin ang kahulugan ng mga bagay na ito? Sinasabi ko sa inyo, sa aba ninyo sa pagliligaw ng mga landas ng Panginoon! Sapagkat kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito ay hindi ninyo itinuro ang mga yaon; anupa’t iniligaw ninyo ang mga landas ng Panginoon. Hindi ninyo ginamit ang inyong mga puso sa pang-unawa; samakatwid, hindi kayo naging matalino.

From section: Ang Paghatol Kay Abinadi

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary