Kung gayon, ano ang itinuturo ninyo sa mga taong ito?
At sinabi nila:
Itinuturo namin ang mga batas ni Moises.
At muli sinabi niya sa kanila:
Kung itinuturo ninyo ang mga batas ni Moises ay bakit hindi ninyo sinusunod ang mga ito? [i]1099[/i] Bakit ninyo inilalagak ang inyong mga puso sa mga kayamanan? Bakit kayo gumagawa ng mga pagpapatutot at sinasayang ang inyong lakas sa mga patutot, oo, at pinapangyaring magkasala ang mga taong ito, nang magkaroon ang Panginoon ng dahilang isugo ako upang magpropesiya laban sa mga taong ito, oo, maging isang malaking kapahamakan laban sa mga taong ito?
Hindi ba ninyo nalalaman na nagsasabi ako ng totoo? Oo, alam ninyong nagsasabi ako ng totoo; at nararapat lamang na manginig kayo sa harapan ng Diyos. At ito ay mangyayari na parurusahan kayo dahil sa inyong kasamaan, sapagkat sinabi ninyong itinuturo ninyo ang mga batas ni Moises. At ano ang nalalaman ninyo hinggil sa mga batas ni Moises? Na ang kaligtasan ba ay darating sa pamamagitan ng mga batas ni Moises? Ano ang masasabi ninyo?
At tumugon sila at sinabing darating nga ang kaligtasan sa pamamagitan ng mga batas ni Moises.
Subalit ngayon sinabi ni Abinadi sa kanila:
Alam ko na kung susundin ninyo ang mga kautusan ng Diyos na kayo ay maliligtas; oo, kung susundin ninyo ang mga kautusang ibinigay ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, sinasabing:
‘Ako ang Panginoon ninyong Diyos,
_na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto,
_mula sa bahay ng pagkaalipin.
_Huwag kayong magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa akin.
_Huwag kayong gagawa sa inyong sarili ng anumang inukit na larawan,
_o anumang nahahalintulad ng anumang bagay na nasa langit sa taas,
_o mga bagay na nasa ilalim ng lupa.’
Ngayon sinabi ni Abinadi sa kanila,
Ginawa ba ninyo ang lahat ng ito? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, hindi ninyo ginawa. At itinuro ba ninyo sa mga taong ito na dapat nilang gawin ang lahat ng bagay na ito? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, hindi ninyo itinuro.