At kami ay nagsimulang magtayo ng mga gusali, at ayusin ang mga muog ng lunsod, oo, maging ang mga muog ng lunsod ng Lehi-Nephi, at ng lunsod ng Silom. At kami ay nagsimulang magbungkal ng lupa, [i]2421[/i] oo, maging lahat ng uri ng butil, mga butil ng mais, at ng trigo, at ng cebada, at ng neas, at ng seum, at ng mga binhi ng lahat ng uri ng bungang-kahoy; at kami ay nagsimulang dumami at umunlad sa lupain. [i]1433[/i]