Sa gayon ito ay nangyari na, na matapos kaming manirahan sa lupain sa loob ng labindalawang taon ay nagsimulang mabalisa si haring Laman, at baka sa anumang pamamaraan ang aking mga tao ay maging malakas sa lupain, at hindi nila madaig sila at madala sila sa pagkaalipin. Ngayon, sila ay mga tamad at mga taong sumasamba sa mga diyus-diyusan; kaya nga ninais nila na kami ay dalhin sa pagkaalipin, upang magpakabundat sila sa mga gawa ng aming mga kamay; oo, upang magpakabusog sila sa mga kawan ng aming mga pastulan. Samakatwid ito ay nangyari na, na si haring Laman ay nagsimulang galitin ang kanyang mga tao upang sila ay makipaglaban sa aking mga tao; kaya nga, nagsimulang magkaroon ng mga digmaan at kaguluhan sa lupain. [i]2422[/i]