Mosiah 9:14–19

Sapagkat, sa ikalabingtatlong taon ng aking paghahari sa lupain ng Nephi, sa dakong katimugan ng lupain ng Silom, nang pinaiinom at pinakakain ng aking mga tao ang kanilang mga kawan, at binubungkal ang kanilang mga lupa, isang napakalaking hukbo ng mga Lamanita ang sumalakay at nagsimulang patayin sila, [i]2423[/i] at kinuha ang kanilang mga kawan, at mga mais ng kanilang bukirin. [i]1434[/i] Oo, at ito ay nangyari na, na sila ay nagsitakas, ang lahat ng hindi naabutan, maging sa lunsod ng Nephi, [i]1435[/i] at nanawagan sa akin para sa kaligtasan. At ito ay nangyari na, na sinandatahan ko sila ng mga busog, at ng mga palaso, [i]2424[/i] at ng mga espada, at ng mga simitar, at ng mga pamalo, at ng mga tirador, at ng lahat ng uri ng sandata na aming maaaring malikha, at ako, kasama ng aking mga tao ay humayo upang harapin ang mga Lamanita sa digmaan.

Oo, sa lakas ng Panginoon kami ay nakipagdigma sa mga Lamanita; sapagkat ako at ang aking mga tao ay taimtim na nagsumamo sa Panginoon na iligtas niya kami mula sa mga kamay ng aming mga kaaway, sapagkat kami ay nagising sa pag-alaala ng pagkakaligtas ng aming mga ama. [i]1436[/i] At dininig ng Diyos ang aming mga pagsusumamo at tinugon ang aming mga panalangin; [i]2425[/i] at humayo kami sa kanyang kapangyarihan; oo, humayo kami laban sa mga Lamanita, at sa loob ng isang araw at isang gabi ay nakapatay kami ng tatlong libo at apatnapu’t tatlo; pinagpapatay namin sila maging hanggang sa maitaboy namin sila palabas ng aming lupain. At ako rin, sa pamamagitan ng aking sariling mga kamay, ay tumulong sa paglibing ng kanilang mga patay. At masdan, sa aming labis na kalungkutan at panaghoy, dalawang daan at pitumpu’t siyam ng aming mga kapatid ang napatay.

From section: Ang Paghahari ni Zeniff sa Lehi-Nephi at Shilom

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary