Mosiah 10:1–5

At ito ay nangyari na, na muli naming sinimulang itatag ang kaharian at muli naming sinimulang angkinin ang lupain nang mapayapa. At pinapangyari kong gumawa ng lahat ng uri ng sandata ng digmaan, nang sa gayon ako ay magkaroon ng mga sandata para sa aking mga tao sa pagdating ng panahon na ang mga Lamanita ay sumalakay muli upang makidigma sa aking mga tao. At ako ay naglagay ng mga bantay sa paligid ng lupain, [i]1437[/i] upang ang mga Lamanita ay hindi na makasalakay sa aming muli nang di namamalayan at lipulin kami; at sa ganito ko binantayan ang aking mga tao at aking mga kawan, at iniadya sila mula sa pagkahulog sa mga kamay ng aming mga kaaway.

At ito ay nangyari na, na aming minana ang lupain ng aming mga ama sa loob ng maraming taon, oo, sa loob ng dalawampu at dalawang taon. At pinapangyari kong bungkalin ang lupa ng kalalakihan, at magtanim ng lahat ng uri ng butil at lahat ng uri ng bawat bungang-kahoy. At pinapangyari ko na ang kababaihan ay magkidkid, at magsikap, at gumawa, at maghabi ng lahat ng uri ng mainam na lino, [i]2426[/i] oo, at lahat ng uri ng tela, upang madamitan namin ang aming kahubaran; [i]1438[/i] at sa ganito kami umunlad sa lupain—at sa ganito kami nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa lupain sa loob ng dalawampu at dalawang taon.

From section: Ang Paghahari ni Zeniff sa Lehi-Nephi at Shilom

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary