At ngayon, dahil sa katatagan ng simbahan sila ay nagsimulang labis na magsiyaman, nananagana sa lahat ng bagay ano man ang kanilang kinakailangan—nagkaroon ng kasaganaan sa mga kawan ng tupa at baka, at patabain ng lahat ng uri, [i]2526[/i] at kasaganaan din sa butil, at sa ginto, at sa pilak, at sa mahahalagang bagay, at kasaganaan sa sutla at maiinam na hinabing lino, at lahat ng uri ng matitibay na kayo. [i]2527[/i]
At sa gayon, sa kanilang maunlad na kalagayan, hindi nila itinaboy ang sino mang mga hubad, o mga gutom, o mga uhaw, o mga may karamdaman, o mga hindi nakandili; at hindi nila inilagak ang kanilang mga puso sa mga kayamanan; anupa’t sila ay naging mapagbigay sa lahat, kapwa matanda at bata, kapwa alipin at malaya, kapwa lalaki at babae, maging sa labas ng simbahan o sa loob ng simbahan, walang itinatangi sa mga tao hinggil sa mga yaong nangangailangan.