At sa gayon sila umunlad at naging higit na mayayaman kaysa sa mga yaong hindi nabibilang sa kanilang simbahan. Sapagkat yaong mga hindi nabibilang sa kanilang simbahan ay pinalayaw ang kanilang sarili sa mga pangungulam, at sa pagsamba sa mga diyus-diyusan, o katamaran, at sa paninirang-puri, at sa inggitan at sa sigalutan; nagbibihis ng mamahaling kasuotan; iniaangat sa kapalaluan ng kanilang sariling paningin; [i]2528[/i] nang-uusig, nagsisinungaling, nagnanakaw, nanloloob, gumagawa ng mga pagpapatutot, at pumapaslang, at lahat ng uri ng kasamaan; gayon pa man, ang batas ay ipinatutupad sa lahat ng yaong lumalabag dito, hangga’t maaari.