Alma 6:5–6

Ngayon nais kong maunawaan ninyo na ang salita ng Diyos ay maluwag sa lahat, na walang pinagkaitan ng pribilehiyo na sama-samang tipunin ang kanilang sarili upang mapakinggan ang salita ng Diyos. Gayon pa man, ang mga anak ng Diyos ay inutusan na dapat nilang sama-samang tipunin ang kanilang sarili nang madalas, at magkaisa sa pag-aayuno at mataimtim na panalangin alang-alang sa kapakanan ng mga yaong kaluluwa na hindi nakakikilala sa Diyos.

From section: Ang Pagtuturo ni Alma sa Zarahemla, Gideon, At Melek

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary