At ito ay nangyari na, nang si Alma ay makarating sa lunsod ng Ammonihas na sinimulan niyang ipangaral ang salita ng Diyos sa kanila. Ngayon, si Satanas ay nakakuha ng malakas na pagkakahawak sa mga puso ng mga tao ng lunsod ng Ammonihas; kung kaya’t ayaw nilang makinig sa mga salita ni Alma.
Gayon pa man, si Alma ay nagpagal nang labis sa espiritu, nakipagbuno sa Diyos sa mataimtim na panalangin, upang kanyang ibuhos ang kanyang Espiritu sa mga tao na nasa lunsod; upang kanyang itulot na kanyang mabinyagan sila tungo sa pagsisisi.