Gayon pa man, pinatigas nila ang kanilang mga puso, nagsasabi sa kanya:
Masdan, nalalaman namin na ikaw si Alma; at nalalaman namin na ikaw ang mataas na saserdote sa simbahang itinatag mo sa maraming dako ng lupain, alinsunod sa iyong kinaugalian; at hindi kami kabilang sa iyong simbahan, at hindi kami naniniwala sa gayong mga hangal na kaugalian.
At ngayon nalalaman namin na dahil sa kami ay hindi kabilang sa iyong simbahan kaya nga alam naming wala kang kapangyarihan sa amin; at ipinaubaya mo ang hukumang-luklukan kay Nefihas; anupa’t hindi ikaw ang aming punong hukom.