Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Ang Pasimulang Pagtanggi sa Amonihas

Alma 8:6–7

Si Alma ay naglakbay mula sa Melek patungong Ammonihas.

Kaya’t nang matapos niya ang kanyang gawain sa Melek ay lumisan siya roon, at naglakbay ng tatlong araw na paglalakbay sa hilaga ng lupain ng Melek; at siya ay nakarating sa isang lunsod na tinatawag na Ammonihas.

Ngayon, kaugalian ng mga tao ni Nephi na tawagin ang kanilang mga lupain, at kanilang mga lunsod, at kanilang mga nayon, oo, maging ang kanilang maliliit na nayon, alinsunod sa pangalan niya na unang nagmay-ari sa mga ito; at gayon ito sa lupain ng Ammonihas.

Alma 8:8–10

Si Alma, nalalaman ang mga problema sa lunsod, ay nanalangin para sa lakas at tagumpay.

At ito ay nangyari na, nang si Alma ay makarating sa lunsod ng Ammonihas na sinimulan niyang ipangaral ang salita ng Diyos sa kanila. Ngayon, si Satanas ay nakakuha ng malakas na pagkakahawak sa mga puso ng mga tao ng lunsod ng Ammonihas; kung kaya’t ayaw nilang makinig sa mga salita ni Alma.

Gayon pa man, si Alma ay nagpagal nang labis sa espiritu, nakipagbuno sa Diyos sa mataimtim na panalangin, upang kanyang ibuhos ang kanyang Espiritu sa mga tao na nasa lunsod; upang kanyang itulot na kanyang mabinyagan sila tungo sa pagsisisi.

Alma 8:11–12

Ang mga tao ng Ammonihas ay hindi naging handang tumanggap kay Alma, at hindi kinikilalang lehitimo ang kanyang awtoridad.

Gayon pa man, pinatigas nila ang kanilang mga puso, nagsasabi sa kanya:

Masdan, nalalaman namin na ikaw si Alma; at nalalaman namin na ikaw ang mataas na saserdote sa simbahang itinatag mo sa maraming dako ng lupain, alinsunod sa iyong kinaugalian; at hindi kami kabilang sa iyong simbahan, at hindi kami naniniwala sa gayong mga hangal na kaugalian.

At ngayon nalalaman namin na dahil sa kami ay hindi kabilang sa iyong simbahan kaya nga alam naming wala kang kapangyarihan sa amin; at ipinaubaya mo ang hukumang-luklukan kay Nefihas; anupa’t hindi ikaw ang aming punong hukom.

Alma 8:13

Niyurakan ng mga tao si Alma at itinaboy siya palabas ng lunsod, kaya siya ay nagpunta patungo sa lunsod ng Aaron.

Ngayon, nang ito ay sabihin ng mga tao, at napangatwiranan ang lahat ng kanyang salita, at nilait siya, at dinuraan siya, at pinapangyaring siya ay itaboy palabas ng kanilang lunsod, siya ay lumisan doon at naglakbay siya patungo sa lunsod na tinatawag na Aaron.