Sapagkat ang ating mga salita ang hahatol sa atin, oo, lahat ng ating mga gawa ang hahatol sa atin; tayo ay hindi matatagpuang walang bahid-dungis; at ang ating mga pag-iisip ang hahatol din sa atin; at dito sa nakapanghihilakbot na kalagayan, tayo ay hindi mangangahas na tumingin sa ating Diyos; at tayo ay magagalak kung ating mauutusan ang mga bato at ang mga bundok na bumagsak sa atin upang itago tayo mula sa kanyang harapan.