Datapwat hindi ito maaari; tayo ay kailangang lumabas at tumayo sa harapan niya sa kanyang kaluwalhatian, at sa kanyang kapangyarihan, at sa kanyang lakas, kamahalan, at pamahalaan, at kilalanin sa ating walang hanggang kahihiyan na ang lahat ng kanyang mga hatol ay makatarungan, na siya ay makatarungan sa lahat ng kanyang mga gawa, at na siya ay maawain sa mga anak ng tao, at na taglay niya ang lahat ng kapangyarihan upang iligtas ang bawat taong naniniwala sa kanyang pangalan at namumunga ng bunga na karapat-dapat sa pagsisisi.